SunKissed Lola - Pasilyo Lyrics |
#Lyrics[Verse 1]
Palad ay basang-basa
Ang dagitab ay damang-dama
Sa `king kalamnang punong-puno
Ng pananabik at ng kaba
Lalim sa `king bawat paghinga
Nakatitig lamang sa iyo
[Pre-Chorus]
Naglakad ka nang dahan-dahan
Sa pasilyo tungo sa altar ng simbahan
Hahagkan na`t `di ka bibitawan
Wala na kong mahihiling pa
[Chorus]
Ikaw at ikaw -(4)
[Verse 2]
`Di maikukumpara
Araw araw `kong dala dala
Paboritong panalangin ko`y
Makasama ka sa pagtanda
Ang hiling sa Diyos na may gawa
Apelyido ko`y maging iyo
[Pre-Chorus]
Naglakad ka nang dahan-dahan
Sa pasilyo tungo sa `kin at hinawakan
Mo ako`t aking `di napigilang
Maluha nang mayakap na
[Chorus]
Ikaw at ikaw -(4)
[Interlude]
Ikaw at ikaw (Ikaw at ikaw) -(5)
[Outro]
(Ikaw at ikaw)
Palad ay basang basa
Ang dagitab ay damang-dama
Sa `king kalamnang punung-puno
`Di maikukumpara
Araw-araw `kong dala-dala
Paboritong panalangin ko`y ikaw
#Lyrics #sunkissedlola #pasilyo #popular-songs-lyrics #trending-songs-lyrics #evergreen-songs-lyrics #nice-lyrics